Gusto nila ng “higit pa sa isang trabaho”
Gumugugol ng maraming one-on-one na oras ang mga PSW sa kanilang kliyente, at bumubuo ng makabuluhang mga bigkis. Nakakakuha sila ng malaking kasiyahan sa kanilang trabaho dahil nakikita nila agad ang positibong epekto nila sa buhay ng kapwa. Gusto ng mga PSW ang pagtulong sa kapwa at pinipili ang pagkakaroon ng makabuluhang karera kaysa sa isang “trabaho” lang.
Gusto nila ang kasiyahan sa pagtulong sa kapwa
Sa bawat shift araw-araw, tinutulungan ng mga PSW ang kapwa na mabuhay sa posibleng pinakamabuting buhay. Humahantong ito sa malalim na mga panlipunang koneksiyon at sa pakiramdam ng kasiyahan sa trabaho at katuparan.
Gusto nila ng panatag na karera
Ang Personal Support Work ay isang lumalagong propesyon, na may pangangailangang inaasahang tumaas pasulong sa bawat taon. Bilang karagdagan, bilang resulta ng pandemya mayroon na ngayong bagong lumalaking pasasalamat sa trabaho ng mga PSW na nagpapanatiling malusog sa mga tao at nagpapanatiling gumagana ang sistema ng kalusugan. Garantisado ang kapanatagan ng mga PSW dahil malaki ang pangangailangan sa kanila.
Gusto ng mga PSW ng mga oras na flexible.
Na-e-enjoy ng mga PSW ang malawak na pagiging flexible pagdating sa pamimili ng oras na gusto nila sa trabaho. Ang isang PSW ay puwedeng magtrabaho nang full time, part time, anuman ang gusto nila. Kaya maraming estudyante o mga taong nagtratrabaho sa ibang larangan ang nagtratrabaho rin bilang PSW: binibigyan ka nito ng pleksibilidad na mabuhay sa paraang gusto mo.
Gusto nila ang oportunidad namagtrabaho sa iba’t ibang kapaligiran.
Ang isang PSW ay puwedeng magtrabaho sa ospital, tahanan ng pangmatagalang pangangalaga, pribadong tirahan o sa kapaligiran ng komunidad. Nag-e-enjoy talaga ang ilang PSW sa pagbisita sa mga tao sa kanilang tahanan, na talagang naglalagay ng Personal sa Personal Support Work. Na-e-enjoy ng iba ang mas mabilis na kaayusan ng pangkat sa isang ospital, at gusto naman ng iba ang pagtratrabaho sa mga nakatatanda kaya mas gustong magtrabaho sa tahanan ng pangmatagalang pangangalaga. Bilang isang PSW, nasa sa iyo kung saan ka magtratrabaho.