Tumutulong ang mga PSW sa mga aktibidad ng pang-araw-araw na buhay tulad ng paghahanda ng pagkain, pagpapakain, pagbubuhat at paglilipat, pagpapaligo, pagbibihis, pagsusuklay, pagsesepilyo, pagtulong sa pang-araw-araw na ehersisyo, at pangangalaga sa paa.
Tumutulong din ang mga PSW sa mga gamot at/o paalala sa gamot, o tumutulong sa pang-araw-araw na mga ehersisyo at korida na nakatutulong sa isang taong maibalik ang kanilang kalayaan.
Gumaganap din ng mga tungkulin sa gawaing-bahay ang ilang PSW, tulad ng paglalaba, paglilinis, paghuhugas ng pinggan, at sa pangkalahatan tumutulong sa mga kliyente sa mga gawaing-bahay na hindi nila kayang gampanan sa sarili nila.
Mahalaga, nagbibigay ang mga PSW ng pagsasamahan.
Minsan pagsama lang sa kliyente ang kailangan sa isang araw.